Ano ang suliranin?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang suliranin?

Sagot verified answer sagot

Ano ang suliraninAng suliranin ay anumang bagay na kailangang lutusin at masolusyunang balakid na kinahaharap ng isang tao.

Ito ay ang mga kaganapan sa buhay na hindi kaaya-aya ang naibibigay na damdamin sa isang tao. Maaari ding magkaroon ng suliranin ang mga hayop, halaman, at ilang mga bagay.

Sa ibang termino, ang mga ito ay mga pagsubok na nilalabanan o binabago ng isang tao sa pamamagitan ng paghahanap ng mga solusyon. Ito ang natural na kilos ng isang tao kapag may kinahaharap na suliranin.

Kung hindi kasi malulutas ito, ang suliranin ay maaari pang magbunga ng iba pang mga problema o mga bagay na hindi kaaya-aya ang kalalabasan.