Ano ang suliranin ng kahariang pinamumunuan ni datu ramilon?

Katanungan

ano po ang suliraning nakakaharap sa kaharian na pinamumunuan ni Datu Ramilon?

Sagot verified answer sagot

Isang tauhan sa alamat na may pamagat na Alamat ng Kanlaon si Datu Ramilon. Pinamumunuan niya ang isang baranggay sa lalawigan ng Negros.

Ang suliraning kinaharap ni Datu Ramilon ay ang biglang pag-atake ng ibang kaharian sa kanyang baranggay habang siya ay nag-aayos at naghahanda para sa magiging kasal ng kanyang anak.

Ang sumalakay sa pinaghaharian ni Datu Ramilon ay walang iba kung hindi si Datu Subanun at ang kanyang hukbo.

Sinubukan lumaban ni Datu Ramilon ngunit naging mas malakas talaga ang kampo ni Datu Subanun. Kalaunan ay namatay rin si Datu Ramilon.

Gayun rin ang nangyari sa kanyang anak at sa iniibig nito, sina Kang at Laon, na naging pangalan ng bundok kung saan sinasabing namatay ang dalawang magkasintahan.