Ano ang taas ng isang bata upang ito ay hindi na kailangang gumamit ng Child Restraint System??

Katanungan

Ano po ang taas ng bata upang hindi na po ito kailangan ng Child Restraint System?

Sagot verified answer sagot

Kapag ang isang bata ay umabot na ang tangkad sa lampas sa apat na talampakan (4 feet) at labing-isang pulgada (11 inches) o isang daan at limampung sentimetro (150 centimeters) ay maaari na itong hindi gumamit ng child restraint system.

Ito ay nasa ilalim ng konstitusyon natin, partikular na ang Republikang Batas 11229 o Child Safety in Motor Vehicles Act.

Mahigpit itong ipinapatupad ng Land Transportation Office (LTO) upang masiguro ang kaligtasan ng mga bata sa tuwing sila ay nasa sasakyan at kalsada.

Ang halimbawa ng mga child restraint system ay tulad ng seatbelt, car seat, at iba pa. Ang sinumang lalabag sa batas na ito ay maaaring magmulta o hindi naman kaya ay makulong.