Ano ang taludtod?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang taludtod?

Sagot verified answer sagot

Ano ang taludtodAng taludtod ay ang isang linya ng mga salita sa isang tula. Ang tula ay mayroong tinatawag na elementong taludturan at ang mga taludtod naman ang bumubuo sa isang saknong. Ang saknong ay ang pangkat naman ng mga taludtod.

Ang mga taludtod ay kinakailangang sumunod sa tugmaang karaniwang ginagamit sa tula upang maging mas malikhain ito at mas epektibo.

Ang taludtod rin sa ibang uri ng mga tula ay sinusukat ang dami ng pantig na tinatawag na sukat. May ilang anyo kasi ng tula na istriktong sinusunod ang bilang ng pantig na nagiging dahilan upang mas maging malikhain ang tulang isinusulat.