Ano ang tamang edad upang magkaroon ng lisensya?

Katanungan

Ano po ba ang tamang edad para pwede na magkaroon ng lisensya?

Sagot verified answer sagot

May iba’t-ibang uri ng lisensya ukol sa pagmamaneho dito sa Pilipinas. Mayroong tinatawag na student o learner’s permit, non-professional license, professional license, at maging conductor’s license.

Ang student o learner’s permit, mula sa mga kataga pa lamang, ay para sa mga nag-aaral magmaneho. Ito ay maaaring kunin ng mga may edad labing anim (16) pataas.

Kung bihasa na sa pagmamaneho, maaari nang mag-upgrade sa non-professional license ang mga may valid na student’s permit at nasa edad labimpito (17) pataas.

Ang mga 17 years old na kukuna ng non-professional license ay kailangan muna humingi ng permiso mula sa magulang dahil sila ay minor pa.