Ano ang tawag sa isang kaganapan ng pamilihan na kung saan ang dami ng demand at dami ng suplay ay pantay?

Katanungan

ano ang tawag sa isang kaganapan ng pamilihan na kung saan ang dami ng demand at dami ng suplay ay pantay?

Sagot verified answer sagot

Ekwilibriyo o equilibrium ang tawag sa isang kaganapan kung saan ang dami ng demand at dami ng suplay sa isang pamilihan ay pantay lamang.

Ibig sabihin ay kayang gumawa o magbigay ng isang nagtitinda ng sapat na produkto ayon sa dami ng kayang bilhin ng isang mamimili.

Sa ilalim ng konseptong ito ay pumapasok rin ang ekwilibriyong presyo at ekwilibriyong dami. Ito ay ang mga napagkasunduang presyo at dami sa pagitan ng mga konsyumer at produser.

Sa ilalim ng konsepto ng ekwilibriyo ay walang nakikitaang mga kadahilanan upang biglaan ang maging pagtaas o pagbaba ng mga presyo at mga demand.