Katanungan
Ano po ang tawag sa likha na wala nang copyright matapos ang 50 taon mula sa kamatayan ng may-akda? Salamat po.
Sagot
Copyright ang tawag sa eksklusibong karapatan at proteksiyon na ibinibigay sa may-ari ng isang orihinal na likha o gawa upang hindi ito maaaring magamit ng kung sino man na walang pahintulot.
Sa ating bansang Pilipinas, ang sakop ng copyright ay buong buhay ng manlilikha hanggang sa 50 o limampung taon matapos ang kanyang kamatayan.
Pagkalipas ng limampung taon ay malaya nang magagamit ng publiko kahit hindi na magpaalam ang orihinal na gawain ng isang namatay na manlilika.
Minsan ay sumasailalim ito sa tinatawag na public domain. Hindi na ito sakop ng copyright matapos ang 50 taon mula pagkamatay ng manlilikha.