Katanungan
Ano po ang tawag sa mataas na moog ng kabihasnang Indus?
Sagot
Ang tawag sa mataas na moog sa kabihasnang Indus ay Citadel. Ang Citadel ay isang lugar na may mataas na moog, napapaligiran ng mga matataas na gusali, at nagsisitaasan ring mga pader.
Dito kadalasan nakikita ang sentro ng templo, kung saan nagdarasal ang mga mamamayan ng kabihasnang Indus. Nandito rin ang mga pampublikong palikuran.
Kadalasan ay ginagamit rin ang citadel bilang imbakan ng mga palay dahil isa sa mga pangunahing pokus ng larangan ng kabihasnang Indus ay ang agrikultura.
Naging mahalaga ang ginampanan ng citadel sa kabihasnang Indus dahil nagsilbi rin itong proteksiyon laban sa mga mananalakay at mga nais sumira sa kabihasnan.