Ano ang tinutukoy ni Andres Bonifacio na pinakadakila at pinakadalisay na pag ibig?

Katanungan

Maaari po bang itanong kung ano ang ibig sabihin ni Andres Bonifacio sa kanyang tinukoy na pinakadakila at pinakadalisay na pag-ibig? Salamat po sa inyong pagtugon.

Sagot verified answer sagot

Ang pinakadakila at pinakadalisay na pag-ibig na tinutukoy ni Andres Bonifacio sa kanyang tula ay walang iba kung hindi ang pagmamahal sa bayan.

Ang kanyang tula ay pinamagatang Ang Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa, na ang ibig sabihin ay ang pagpapakita ng pagmamahal sa bayang sinilangan ng isang tao.

Hinikayat at hinimok niya ang damdaming nasyonalismo ng mga mamamayang Pilipino. Kanyang pinaalala na atin ang bansang Pilipinas kaya naman bilang mga Pilipino ay kailangan natin magsakripisyo para mapanatiling malaya at may soberanya ang ating bansa.

Maraming mga Pilipino ang naging bukas ang damdamin at ninais na makidigma para makamtan ang kalayaan ng ating bansa matapos mabasa ang sinulat na tula ni Bonifacio.