Ano ang tungkulin ng sweat glands?

Katanungan

Ano po ang tungkulin ng sweat glands?

Sagot verified answer sagot

Sweat glands ang tawag sa parte ng ating balat kung saan lumalabas ang pawis. Ang pangunahing tungkulin nito ay tulungan ang ating pangangatawan na makontrol ang temperatura nito.

Kapag tumataas ang temperatura sa loob ng ating katawan, ang mga sweat glands ang tumutulong upang maalis ang init sa pamamagitan ng pagpapasingaw nito sa anyo ng mga water droplets.

Ang buong katawan natin ay binubuo ng sweat glands ngunit mas aktibo ito sa piling mga parte tulad ng noo, kili-kili, talampakan, at sa palad ng ating mga kamay.

Hindi lamang mga tao ang may sweat glands. maging ang ibang mga hayop gaya ng aso at pusa ay may mga sweat glands rin.