Ano ano ang katangiang dapat taglayin ng isang tekstong persuweysib?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ano ano ang katangiang dapat taglayin ng isang tekstong persuweysib?

Sagot verified answer sagot

Ang katangiang dapat taglayin ng isang tekstong persuweysib ay dapat nakapanghihikayat , nagtataglay ng totoong mga impormasyon, at nangungumbinsi.

Ang tekstong persweysib o tekstong nanghihikayat ay isang uri ng sulatin na naglalaman ng mga kaukulang datos na may mapagkakatiwalaang basehan o sanggunian upang higit na gawing kapani-paniwala ang opinyong ipinapakita sa mga mambabasa.

Sa tulong ng mga makatotohanang datos na ito, mas nakukumbinsi ng manunulat ang kanyang mga mambabasa. Ang ganitong uri ng sulatin ay gumagamit ng mga propaganda device gaya ng name calling o ang pagbibigay ng taguring maganda sa isang bagay upang kahiligan ng mga tao, transfer na kung saan gagamit ng isang sikat na personalidad upang hikayatin ang mga tao, at marami pang iba.