Ano ano ang mga kinagisnang tradisyon at paniniwala ng iyong pamilya?

Katanungan

ano ano ang mga kinagisnang tradisyon at paniniwala ng iyong pamilya?

Sagot verified answer sagot

Ilan sa mga kinagisnang tradisyon ng aking pamilya ang pamamanhikan, simbang gabi, at piyesta. Ito ang mga kadalasang binibigyang halaga ng aking pamilya.

Ang pamamanhikan ay pinaniniwalaang nagpapatibay ng samahan ng dalawang pamilyang magiging isa dahil sa kasal na kung saan dito pinagkakasunduan ang bawat detalye ng pag-iisang dibdib.

Ang simbang gabi naman ay isang pasasalamat sa lahat ng mga naibigay ni Hesus na biyaya at pag-alala sa kanyang nalalapit na kaarawan.

Sinasabing kung ang isang tao ay nabuo ang siyam na araw ng pagsisimba, matutupad diumano ang kanyang hiling. Ang piyesta naman ay pinaniniwalaang pasasalamat sa masaganang ani.

Sa kabilang banda. Ang mga paniniwalang kinagisnan ng pamilya ay kung ikakasal ang damit pangkasal ay hindi dapat isukat dahil maaaring hindi matuloy ang kasal; kung may sumakabilang buhay naman, bawal ang pagsusuot ng pulang baro.