Ano ano ang paraan ng pagpapakita ng pasasalamat (5 halimbawa)?

Katanungan

ano ano ang paraan ng pagpapakita ng pasasalamat (5 halimbawa)?

Sagot verified answer sagot

Ang pasasalamat ay ang pagpapakita ng pagpapahalaga sa tulong na kusang ibinigay ng kapwa para sa kanya. Ito ay maipapakita sa iba’t ibang pamamaraan kagaya ng:

1.) Ang pinakapayak na paraan ay ang pagturan o pagsasabi ng salamat sa ipinakitang kabutihan ng ibang tao.

2.) Maaaring maipakita ang pasasalamat sa pamamagitan ng paggawa at pagbibigay ng isang liham para sa taong nagmalasakit sa iyo.

3.) Hindi nangangailangan ng materyal na gantimpala ang kapwang tumulong sa iyo kung kaya sa pamamagitan ng isang yakap o di naman kaya ay tapik sag awing balikat nito maipapakita ang iyong pagtanaw.

4.) Ang pagtulong sa kapawa sa ibang kaparaan ay isang tulay din.

5.) Ang pinaka-malalim sa lahat ay ang pagbabahagi ng kabutihang iyong nakamit ang isa ring paraan ng pagpapasalamat kahit na ito ay hindi nakikita ng taong nakatulong sa iyo.