Ano anong kulturang pilipino ang nakita mo sa iyong pinanood na pelikula o dulang Pilipino?

Katanungan

Ano po ang mga kulturang Pilipino na nakita mo sa iyong pinanood na pelikula o dulang Pilipino?

Sagot verified answer sagot

Ang pelikulang aking napiling panoorin ay ang may pamagat na “Ang Tanging Ina.” Sa pelikulang ito, ipinapakita ang kulturang Pilipino kung saan tunay na pinahahalagahan ang pamilya.

Isa sa mga kulturang Piilipino talaga ay ang pagbibigay ng higit na importansya sa pamilya. Kumpleto man ang isang pamilyang Pilipino o hindi ay pamilya pa rin ito.

Pinapakita rin sa pelikula ito kung gaano kahalaga para sa mga Pilipino ang kanilang ina. Gaya nga ng kasabihan, ang ating mga ina ang ilaw ng tahanan.

Sila ang nagbibigay buhay at kulay sa pamilya. Makikita rin sa pelikulang ito ang pagtutulungan at labis na pagmamahalan ng isang pamilyang Pilipino.