Katanungan
ano-anong katangian ang litaw sa katauhan nina Romeo at Juliet sa larangan ng pag-ibig?
Sagot
Isa sa mga pinakasikat na dulang may temang pag-ibig ay ang Romeo at Juliet na isinulat ni William Shakespeare.
Si Romeo at Juliet, kung saan hango ang pamagat ng dula, ay ang dalawang pangunahing tauhan na nag-iibigan.
Sa larangan ng pag-ibig, ang katauhan ni Romeo ay ipinapakita bilang isang masigasig na binata na gagawin ang lahat upang makuha ang atensyon at pagmamahal ng kanyang iniirog.
Si Juliet naman ay nagpapakita ng pagiging matapat sa kanyang minamahal at may pag-ibig na walang hagganan. Ang parehong tauhan ay may pasensya ring katangian pagdating sa pag-ibig, lalo na at maraming humahadlang sa kanilang pagmamahalan.