Ano-anong mga suliranin ang kinakaharap ng mga manggagawang pilipino? ano kaya ang dahilan ng mga suliraning ito??

Katanungan

Ano-anong mga suliranin ang kinakaharap ng mga manggagawang Pilipino? Anu-ano kaya ang dahilan ng mga suliraning ito?

Sagot verified answer sagot

Maraming suliraning kinakaharap ang mga manggagawang Pilipino lalo na sa panahon ngayon. Katatapos lamang ng pandemya kaya naman maraming mga Pilipino ang nawalan ng trabaho.

Isa rin sa kanilang mga kinakaharap na problema ay ang pagkakaroon ng mababang sweldo. Ito ay dulot ng paggigipit ng mga kumpanya sa mga Pilipino o kaya naman ay nananatiling mababa ang pasahod lalo na kapag sumusunod lamang sa minimum wage.

Isa pang suliranin ng mga manggagawang Pilipino ay ang pagtaas ng unemployment rate o kawalan ng trabaho.

Tulad ng nabanggit kanina, isa sa mga dahilan nito ay ang pandemya. Ngunit kapos rin talaga o kulang ang trabaho kumpara sa dami ng mga manggagawang Pilipino.