Ano anong salita ang maiuugnay sa salitang malayang kaisipan?

Katanungan

ano anong salita ang maiuugnay sa salitang malayang kaisipan?

Sagot verified answer sagot

Kapag narinig natin ang mga katagang “malayang kaisipan,” ano nga ba ang unang pumapasok sa ating isipan? Kung ako lang rin naman ang tatanungin, naiisip ko agad ang salitang Ingles na “freedom.”

Naaalala ko rin ang kilusan noon nina Dr. Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar, at marami pang iba kung paano nila nais tuligsain ang pananakop ng mga Kastila sa ating bansa.

Ginamit nila ang malayang kaisipan o liberal na kaisipan kung tawagin nila noon. Ito ang ipinakalat nila upang mamulat ang mga Pilipino at asamin ang kalayaan na dapat mayroon ang bansang Pilipinas at ang mga mamamayan nito.