Ano dapat gawin para makatulog sa gabi?

Katanungan

Hirap po kasi ako makatulog kahit pagod. Ano ba ang dapat gawin para makatulog kagad sa gabi ng mahimbing?

Sagot verified answer sagot

May mga tao talagang hirap na makatulog sa gabi. Kaya naman ang mga sumusunod na babanggitin ko ay mga tips kung paano makatulog sa gabi nang mahimbing at matiwasay.

Una sa lahat, subukang huwag matulog sa tanghali o hapon at panatilihing aktibo ang araw-araw. Ikalawa, maaaring uminom ng gamut na nakakatulong sa pagpapatulog.

Ikatlo, bantayan ang iyong kinakain o iniinom. Huwag magkakape sa gabi upang hindi magising. Ikaapat, maaaring subukan na making sa malumanay na musika.

Pwede mo ring subukan mag-meditate. Ika-lima, siguraduhing komportable ang tutulugan. May tamang bentilasyon ng hangin, at malinis at mabango ang mga bed sheets at unan.