Ano pa ang hindi mo alam at gusto mo pang matutunan tungkol sa karapatan?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ano pa ang hindi mo alam at gusto mo pang matutunan tungkol sa karapatan?

Sagot verified answer sagot

Bilang tao at mamamayan ng isang bansa, tayo ay may mga tinatamasang mga karapatan. Natututunan natin ang mga ito sa paaralan.

Ngunit marami ring ibang aspeto ang karapatan na gusto kong matutunan. Halimbawa nalang ay ang mga uri nito. Alam ko na ang tungkol sa karapatang tao ngunit interesado rin akong pag-aralan ang karapatan ng mga hayop.

Nais ko rin matutunan ang iba’t-ibang pananaw na meron ang bawat indibidwal tungkol sa kanilang karapatan.

Maganda ring magkaroon ng kaalaman tungkol sa pagkakatulad at pagkakaiba ng mga karapatan sa iba’t-ibang bansa sa buong mundo.

Maaari palang sa isang bansa ay may karapatan na ganito at hindi naman ito isang karapatan sa isa pang bansa.