Ano pa ang mga dapat ninyong gawin para masiguradong ligtas ang buong pamilya laban sa fake news at iba pang mapang abuso sa online community?

Katanungan Sagot

9

Katanungan

ano pa ang mga dapat ninyong gawin para masiguradong ligtas ang buong pamilya laban sa fake news at iba pang mapang abuso sa online community?

Sagot verified answer sagot

Ang mga dapat gawin para masiguradong ligtas ang buong pamilya laban sa fake news at iba pang mapang-abuso sa online community ay ang pag-iwas sa pamamahagi ng mga personal na impormasyon ng pamilya,

paglilimita ng mga ibinabahaging kaganapan sa buhay, pagsisisguro na ang mga impormasyong nababasa ng mga kasapi ay may matibay na pinagmulan, at ang pagiging mapanuri sa bawat nakikita o nababasa sa online community.

Ang paggamit ng iba’t ibang social media platform ay nakapagdudulot ng kasiyahan lalo sa mga kabataan. Subalit ang mga banta hinggil dito ay hindi nawawala kung kaya naman ang pagiging responsableng manggagamit ay dapat na ugaliin.