Ano sa palagay mo ang naging resulta ng ganitong pangyayari sa Europa?

Katanungan

ano sa palagay mo ang naging resulta ng ganitong pangyayari sa europa?

Sagot verified answer sagot

Ang eksplorasyon na sinimulan ng mga taga-Europa noong ika-15 na siglo ay siya naman talagang nagdulot ng positibong resulta sa buong kontinente.

Dahil sa kanilang eksplorasyon, nabuksan ang daigdig sa mas marami pang aspeto. Nagkaroon ng mas malalim na kaalaman ang mga taga-Europa ukol sa iba’t-ibang mga larangan tulad ng agham, pilosopiya, matematika, at panitikan.

Maraming mga Europeo ang naging sikat dahil sa kanilang mga natuklasan. Naging mas makabago rin ang kanilang panahon dahil may mga imbensiyon silang ginawa matapos ang eksplorasyon.

Ang kanilang ekonomiya ay lumago at ang antas ng buhay sa Europa ay talaga namang gumanda lalo matapos ang eksplorasyon.