Katanungan
anong akdang pampanitikan ang maaaring magkasamang maisagawa ang layuning personal at panlipunan?
Sagot
Ang mga lathalain na mayroon tayo, lalo na sa akademikong aspeto, ay tinatawag bilang akademikong panitikan o sulatin.
May iba’t-ibang layunin ang mga ito. Maaaring may layunin itong personal, pang-lipunan, manghikayat, at iba pa.
Ang akademikong panitikan na kadalasan ay makikitaan nating ng parehong layuning personal at pang-lipunan ay tinatawag na sanaysay.
Ang sanaysay ay isang uri ng kasulatan kung saan ang manunulat ay nagpapahay ng kanyang damdamin o opinyon tungkol sa kanyang sarili, sa ibang tao, sa mga bagay-bagay, at sa lipunan.
Maraming iba’t-ibang uri ng sanaysay depende na lamang sa kung anong paksa nito gaya ng mga nabanggit.