Katanungan
anong akdang pampanitikan ang nagsasalaysay tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o pangyayari?
Sagot
May iba’t-ibang uri tayo ng akdang pampanitikan, depende na lamang sa anyo ng pagkakabahagi nito at sa mga nilalaman nito.
Kung ang isang akdang pampanitikan ay nagsasalaysay ng patungkol sa pinagmulan ng isang bagay, ito ay tinagurian bilang alamat.
Dito sa ating bansang Pilipinas, maraming mga alamat ang mayroon tayo pagdating sa panitikan. Ang mga iba’t-ibang bagay—maging tao at lugar—ay may kwento ng pinagmulan at mababasa natin ang mga iyon sa mga alamat na naisulat na.
Ilan sa mga alamat na sikat sa ating bansa ay ang mga sumusunod : Alamat ng Pinya, Alamat ng Araw at Gabi, at Alamat ng Pilipinas.