Katanungan
anong bansa sa hilagang asya ang may pinakamaraming deposito ng ginto sa buong mundo?
Sagot
Ang asya ang pinakamalaking kontinente sa buong mundo. Kaya naman maraming mga bansa ang matatagpuan rito tulad ng Tsina—na siyang may pinakamalaking lupain at populasyon, Singapore—na siyang nangunguna sa may pinakamaraming mayaman na mamamayan, at Japan—na siyang may pinakamalakas na pasaporte sa lahat ng bansa.
Pagdating naman sa deposito ng mga ginto, ang pinakamarami sa Hilagang bahagi ng kontinente ay walang iba kung hindi ang bansa na Kyrgyzstan.
Sa Kyrgyzstan, partikular na sa rehiyon ng Central Tien-Shan, makikita ang pinakamalaking deposito ng ginto na sinasabi ay napapalibutan ng mga nagyeyelong bulubundukin. Ang korporasyon na may hawak rito ay ang Kumtor.