Anong edad maaaring sumakay sa harapan ang isang bata na naaayon sa ra 11229?

Katanungan

Anong edad maaaring sumakay sa harapan ang isang bata na naaayon sa ra 11229?

Sagot verified answer sagot

Sa ilalim ng Batas Republika 11229 o RA 11229, ang isang bata na may edad labing tatlong (13) taong gulang pataas, at mas mataas sa apat na talampakan at 11 pulgada (4’11”) o 150 centimeters, ang silang maaari lamang na sumakay sa harapan ng sasakyan o ang paasenger’s seat.

Ang batas republika na ito ay mas kilala bilang “Child Safety in Motor Vehicles Act.” Binibigyang importansya nito ang kaligtasan ng mga bata kapag sila ay sumasakay ng anumang uri ng sasakyan.

Sa ilalim rin ng batas na ito nakasaad na ang mga bata ay kailangang lagging naka-seatbelt kapag kasama sa sasakyan.