Katanungan
anong konsepto ng demand na nagpapakita ng matematikong ugnayan ng presyo at quantity demanded?
Sagot
Ang konsepto ng demand na nagpapakita ng matematikong ugnayan ng presyo at quantity demanded ay tinatawag na demand function.
Ang demand function ay ang matematikong pagpapakita ng ugnayan sa pagitan ng presyo at ng quantity demanded sa pamamagitan ng paggamit ng ekwasyon na Qd = a- bP.
Kung saan, ang Qd ay tumutukoy sa dami ng bilang ng demand. Samantala ang a ay tumutukoy sa dami ng bilang ng demand kung ang nakatakdang presyo ay nasa zero o kilala rin bilang horizontal intercept.
Ang (-b) naman ay ang slope ng isang demand function at ang P ay tumutukoy sa presyo ng mga bilihin.