Anong lungsod estado ng Greece ang binansagang pamayanan ng mga mandirigma?

Katanungan

anong lungsod estado ng greece ang binansagang pamayanan ng mga mandirigma?

Sagot verified answer sagot

Ang Sparta ay ang lungsod estado ng Greece ang binansagang pamayanan ng mga mandirigma.

Ang Sparta ay isang lungsod-estado na pinaniniwalaang itinatag ng mga Dorian na mula sa Pelopennesus na matatagpuan sa Greece partikular na sa timog na bahagi nito.

Dahil sa ito ay nagtataglay ng matabang lupa, sapat na tubig, at magandang klima, ito ay hindi umasa sa kalakalan bilang hanapbuhay bagkus ang tuon ay ang pagsasaka.

Dahil sa husay ng mga ito sa pakikidigma, napalawak nito ang kanyang nasasakupan sa larangan ng panaankop at pangangamkam. Kaya naman ang mga nagiging bihag na magsasaka ay iniuuwi sa Sparta upang gawing tagasaka o helot.