Anong mga pagbabago ang kinakaharap ng pamilya kasabay ng modernisasyon?

Katanungan Sagot

Katanungan

Anong mga pagbabago ang kinakaharap ng pamilya kasabay ng modernisasyon?

Sagot verified answer sagot

Anong mga pagbabago ang kinakaharap ng pamilya kasabay ng modernisasyonSa pagbabago ng panahon, partikular sa pagdating modernisasyon, ang buhay ng pamilya ay nag-iiba. Una na rito ay ang pagbabago sa pag-uugali at pagpapahalaga.

Dahil nagiging moderno ang panahon, napapalitan din ng mga modernong paraan ang paniniwala ng ilang bahagi o miyembro ng pamilya.

Ang bawat henerasyon ay nagkakaroon din ng modernong paniniwala at pagtanggap. Isa pa rito ay ang pagyakap ng pamilya sa mga makabagong paraan ng pakikitungo sa isa’t isa.

Lumalabas sa mga pag-aaral na maging ang pakikitungo sa pamilya ay nagbabago dala ng gadgets. Hindi na raw madalas mag-usap ang mga miyembro dahil abala sa kanilang gadgets na isang malaking pagbabago sa buhay ng bawat isa.