Anong pagpapahalagang Pilipino ang masasalamin sa pagpapaalam ng dalaga sa ina bago sumama sa binata sa pamamasyal sa awit na Lawiswis Kawayan?

Katanungan

anong pagpapahalagang pilipino ang masasalamin sa pagpapaalam ng dalaga sa ina bago sumama sa binata sa pamamasyal sa awit na lawiswis kawayan?

Sagot verified answer sagot

Dito sa ating bansa, may tinatawag tayong pagpapahalagang Pilipino. Ito ay ang mga katangian at pag-uugali na nagpapakita kung ano ang mga binibigyan natin ng halaga bilang mga Pilipino.

Sa awit na pinamagatang Lawiswis Kawayan, ang pagpapaalam ng dalaga sa ina bago sumama sa binata sa pamamasyal ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa pamilya.

Talaga namang napakahalaga ng pamilya para sa mga Pilipino. Ang pagpapaalam sa magulang ay isa sa mga tradisyon na at nakasanayan.

Itinuturo ito sa mga Pilipino mula pagkabata pa lamang. Ito ay sa kadahilanan na ang pagpapaalam ay pagpapakita ng respeto. At ginagawa rin ito upang matiyak na ligtas ang bawat isa.