Katanungan
ano po ang salik na higit na nakakaapekto sa iyong demand?
Sagot
Maraming mga salik na nakakaapekto sa aking pansariling demand. Demand ang tawag sa kakayahan kong makabili ng isang produkto o serbisyo.
Isa sa mga pangunahing salik na higit na nakaapekta sa aking demand bilang konsyumer ay ang aking kita. Depende sa aking kita ang kakayahan kong makapamili ng mga kalakal.
Kaakibat rin ito ng presyo dahil kung maliit lamang ang aking kita at mataas ang presyo, inaasahan na na mababa ang demand para sa produkto o serbisyong iyon.
Iba pang salik na nakakaapekto ay ang ekspektasyon ko bilang mamimili. Maaaring hindi pumasa ang produkto o serbisyo sa aking standards kaya bumababa ang demand ko rito.