Anong tawag sa bilang ng pantig sa bawat taludtod?

Katanungan Sagot

5

Katanungan

anong tawag sa bilang ng pantig sa bawat taludtod?

Sagot verified answer sagot

Sukat ang katawagan sa element sa bilang ng pantig na nakapaloob sa bawat taludtod ng isang akdang pampanitikan na tinatawag na tula.

Ang tula ay maaaring pagsasalarawan ng mga pangyayari sa buhay ng isang indibidwal, ito rin ay maaaring mula sa mga guniguni, na inihahayag gamit ang damdamin habang nagsasalita na may taglay na aliw-iw.

Kabilang sa element ng akdang pampanitikang ito ang sukat. Ito ay may iba’t ibang uri. Ang sukat ay pwedeng wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin, o di naman kaya ay lalabingwaluhin. Bukod sa sukat, ang tula ay binubuo rin ng mga element gaya ng kariktan, saknong, talinhaga at tugma.