Katanungan
Magbigay naman po kayo ng mga halimbawa ng mga anyong lupa o~~! Salamat po..
Sagot
Mayroong iba’t-ibang uri ng anyong lupa na matatagpuan dito sa mundo. Ang pinakamataas na anyong lupa ay tinatawag na bundok.
Isang halimbawa ng bundok ay ang Bundok Everest, na siya ring pinakamataas na bundok sa buong mundo. Ang hanay ng mga bundok naman ay tinatawag na bulubundukin.
Sa Pilipinas, mayroon tayong bulubunduking kilal bilang Sierra Madre. Isang uri naman ng bundok ang bulkan, kung saan ang bulkan ay may kakayahan na magbuga ng gas, apoy, o mainit na putik.
Isa sa mga pinakaaktibong bulkan sa Pilipinas ay ang bulkang Mayon. Ang iba pang halimbawa ng anyong lupa ay ang lambak, kapatagan, pulo, burol, at iba pa.