Aspetong panlipunan?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang aspetong panlipunan?

Sagot verified answer sagot

Aspetong panlipunanAng aspetong panlipunan ay tumutukoy sa isang aspektong bumubuo sa tao at sa kaniyang pakikitungo sa ibang tao o sa kaniyang kapuwa, at lalo na sa kaniyang lipunan.

Sa pamamagitan ng apsektong ito, makikita kung paano makitungo ang mga mamamayan sa kaniyang lipunan at sa kaniyang kapuwa tao.

Maging ang pagkilos at pagsunod sa mga alituntunin at batas ng lipunan ay sinusukat sa aspetong panlipunan. Kasama rin dito ay ang moralidad at prinsipyo ng isang tao.

Ang ilang gawaing nagpapakita ng aspetong panlipunan ng tao ay ang pakikipagkaibigan, pakikipag-relasyon, pagtatanggol sa sarili, pagtulong o pagmamalasakit sa kaniyang kapuwa, pagpapahalaga sa batas ng lipunan, at maging ang pagtakwil sa kapuwa.