Ayon kay Enriquez, ang mga salitang ito ay taal na nagpapakita ng kulturang Pilipino dahil nagtataglay ang mga ito ng mga kahulugang kultural.

Katanungan

Maaari po bang malaman kung aling mga salita ang tinutukoy ni Enriquez na taal at nagpapakita ng kulturang Pilipino dahil sa kanilang kahulugang kultural? Maraming salamat po.

Sagot verified answer sagot

Si Dr. Virgilio Enriquez ay ang kinikilalang Ama ng Sikolohiyang Pilipino sa ating bansa.

Ang Sikolohiyang Pilipino ay isang larangan na kanyang pinag-aralan, kung saan sinasabi niya na nagpapakita ng kulturang Pilipino ang mga salita natin dahil nagtataglay ang mga ito ng mga kahulugang kultural.

Ayon sa kanya, tanging mga mamamayang Pilipino lamang ang makakaintindi at makakaunawa sa mga salitang ginagamit sa Sikolohiyang Pilipino dahil bunga ito ng karanasan natin dito sa ating bansang Pilipinas.

Isang halimbawa na ginamit niya ay ang salitang maybahay. Ginagamit natin ang salitang ito upang ilarawan ang nagmamay-ari o ang taong naninirahan sa isang bahay.