Ayon sa Summer Institute of Linguistics, ano ang tatlong katangiang dapat taglayin ng isang mahusay na salin?

Katanungan

Maaari po bang malaman kung ano ang tatlong katangiang ayon sa Summer Institute of Linguistics na dapat taglayin ng isang mahusay na salin? Maraming salamat po sa inyong tulong.

Sagot verified answer sagot

Pagsasalin ang tawag sa ginagawa kapag ang isang salita mula sa isang wika ay hinahanapan ng katumbas na konteksto.

Ayon sa SIL, may tatlong katangian dapat taglayin upang masabing isang mahusay na salin.  Unang-una, kailangan ito ay malinaw. Ikalawa, ang salin ay dapat ring wasto.

At ikatlo naman, kailangan ay natural ang daloy nito. Ang tatlong katangiang ito ang gumagabay upang maging maayos at maintidihan ang pagsasalin.

Ang Summer Institute of Linguistics o SIL ay isang institusyon na nagbibigay ng mga materyales sa pagtuturo ng linggwistika para sa programa ng mga pangunahing paaralan at unibersidad sa iba’t-ibang panig ng mundo.