Katanungan
Ito ay mga simbolong kumakatawan sa titik na ginagamit ng mga sinaunang Pilipino.
Sagot
Ang mga simbolong kumakatawan sa titik na ginagamit ng mga sinaunang pilipino ay tinatawag na Baybayin. Ito ay hango sa teorya ni Padre Pedro Chirino, isang Hesuita.
Sa kanyang aklat na pinamagatang Relacion de las Islas Filipinas, inilarawan niya ang pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino, kabilang na ang pamamaraan ng kanilang pananalita.
Sa kanyang lathalain ay kanyang naobserbahan at isinulat ang labinlimang simbolo ng Baybayin.
Ayon sa kanya, may tatlo patinig (a,e/i, o/u) at labindalawang katinig (Ba, Ka, Da, Ga, Ha, La, Ma, Na, Pa, Sa, Ta, Ya). Ayon kay padre, ang lahat ng ating mga ninuno ay marunong magbasa at magsulat ng Baybayin.