Katanungan
Bakit po ba binubuksan ang bintana tuwing umaga?
Sagot
Bakit nga ba binubuksan ang bintana tuwing umaga? Ito ay isang palaisipan. Para sa nakakarami, ang pagbubukas ng bintana ay upang maging maaliwalas ang bahay.
Kapag bukas kasi ang mga binatana sa bahay ay maaaring pumasok ang sinag ng araw na siyang nagpapaliwanag sa bahay.
Ang bukas na mga bintana rin sa isang bahay ay mas nagiging maayos ang daloy ng hangin sa loob kaya naman mas nakakaramdam ng lamig at ginahawa sa pakiramdam ang mga tao.
Maaari ring dahilan kung bakit binubuksan ang bintana ay upang marinig kung may tao sa labas ng bahay, lalo na kung may mga hinihintay na bisita o hindi kaya naman ay parsela.