Katanungan
Bakit po Dependent Variable ang QS?
Sagot
Ayon sa ekonomiks, ang QS (o quantity supply) ay isang dependent variable dahil ito ay hindi nagbabago sa hindi pagbabago ng presyo.
Gayun din naman na ang QS o quantity supply ay nagbabago sabay sa pagbabago ng presyo. Ating napag-aralan na may tuwirang relasyon ang presyo at supply.
Ibig sabihin ay kapag ang presyo ay tumataas, tumataas rin ang supply at kung ang presyo ay bumababa, nagbababa rin ang dami ng supply.
Sa pagitan ng presyo at quantity supply, ang QS o quantity supply ang siyang tinuturing na dependent variable. Nakadepende talaga ito sa pagtaas o pagbaba ng presyo ng mga bilihin sa merkado.