Bakit galit si haring Madali kay prinsipe Bantugan?

Katanungan

Ask ko lang po bakit nagalit si haring Madali kay prinsipe Bantugan?

Sagot verified answer sagot

Isang epiko mula sa Mindanao ang may pamagat na Batugan. Dalawa sa mga pangunahing tauhan sa epiko ay sina Prinsipe Batugan at Haring Madali.

Sila ay magkapatid na naghahari sa kaharian ng Bumbaran. Ngunit ating mababasa sa epiko na si Haring Madali ay may galit kay Prinsipe Batugan.

Isa sa mga rason kung bakit galit ang hari sa prinsipe ay dahil maraming mga dalaga ang nagkakagusto sa prinsipe.

Ang prinsipe rin ay may angking kakaibang tapang kaya naman marami ring humahanga sa kanya na siyang lubos na ikinagagalit ni Haring Madali.

Marami pang kinaiinggitan ang hari kay Prinsipe Batugan. Sa isip ng hari ay nakukuha lahat ng prinsipe ang kanyang kagustuhan.