Katanungan
Ano ang dahilan kung bakit po ginagamit na sukatan ang mga materyal na bagay sa abstraktong damdamin gaya ng pag ibig sa tula?
Sagot
Ang paggamit ng mga materyal na bagay upang maging sukatan ng abstraktong damdamin gaya ng pag-ibig ay kadalasan makikita natin sa mga tula na ating binabasa.
Isa sa mga pangunahing dahila kung bakit ginagawa ito ay upang mas madaling maintindihan ng mga mambabasa ang damdamin at emosyon na nais iparating ng manunulat o may akda.
Sa paggamit ng mga materyal na bagay bilang sukatan ng abstraktong dadamin ay mas napapadali ang pagpapaintindi ng mensahe at ideya para sa mga mambabasa.
Sa ganitong paraan rin mas nagiging maayos ang nais iparating ng nasabing tula. Pinapatibay nito ang emosyon na nais iparamdam ng may akda ng tula.