Bakit hayop ang tauhan sa pabula?

Katanungan

bakit hayop ang tauhan sa pabula?

Sagot verified answer sagot

Pabula ang tawag sa isang uri ng panitikan kung saan ang mga pangunahing tauhan ay mga hayop at hindi mga tao. Isa ito sa mga pinakamatandang uri ng panitikan at ang mga pabula ay pawang kathang isip lang.

Ang isang pabula ay karaniwang nagsasalaysay ng kwento na puno ng mga aral at kaisipan. Ang mga aral at kaisipan na ito ay magtuturo ng tamang leksiyon, lalo na sa mga bata.

Ginagamit ang mga hayop bilang tauhan sa pabula upang mas ma-enganyo at mahikayat ang mga bata na basahin ang mga ito. Mas nakakaaliw rin ang mga kwento tungkol sa mga hayop.