Bakit kailangan ang planong pangkabuhayan sa bansa?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

bakit kailangan ang planong pangkabuhayan sa bansa?

Sagot verified answer sagot

Planong pangkabuhayan ang tawag sa mga konkretong programa ng pamahalaan para sa ikauunlad ng ating bansang Pilipinas, lalo na sa aspeto ng ekonomiya.

Ang bawat presidente na naihalal sa nakaraan ay kinakailangan na bumuo ng mga planong pangkabuhayan. Ang planong pangkabuhayan ang susundin upang magkaroon ng maayos na palitan ng produkto at serbisyo sa bansa at maging internasyonal.

Makakatulong rin ang planong pangkabuhayan upang matustusan ang pangangailangan ng ating bansa, lalo na pagdating sa paggawa at lakas paggawa.

Magiging mas matibay rin ang ugnayan ng ating bansa at ng mga dayuhang bansa kung tayo man ay makikipagkalakalan o palitan ng produkto sa kanila.