Bakit kailangan ang yamang tao sa bansa ipaliwanag?

Katanungan Sagot

1

Katanungan

bakit kailangan ang yamang tao sa bansa ipaliwanag?

Sagot verified answer sagot

Hindi matatawag na bansa ang isang lupain kung walang mga taong naninirahan rito. Ang mga taong ito naman, na magiging mamamayan ng bansa, ang pangunahing pagkukunan ng tinatawag na yamang tao o sa wikang Ingles ay human resources.

Maraming mga pwedeng magawa sa paggamit ng yamang tao. Ang mga tao ang magsisilbing lakas paggawa ng isang bansa upang magkaroon ng produkto at serbisyo ang bansa.

Sa pamamagitan nito ay uunlad rin ang ekonomiya. Sa yamang tao nakasalalay ang kabutihan at kaunlaran ng isang bansa.

Tayo ang produser at tayo rin ang konsyumer ng mga produkto at serbisyo. Sa tao umiikot ang mga proseso at pamamahala ng isang bansa.