Bakit kailangan isaalang alang ang mga pagpipilian sa paggawa ng desisyon?

Katanungan Sagot

Katanungan

Patulong po yung kapatid ko dito: bakit kailangan isaalang alang ang mga pagpipilian sa paggawa ng desisyon? Maraming salamatsu!!

Sagot verified answer sagot

Bakit kailangan isaalang alang ang mga pagpipilian sa paggawa ng desisyonMahalaga ang pagsasaalang-alang ng mga pagpipilian sa pagbuo ng desisyon dahil sa pamamagitan nito ay nakabubuo tayo ng isang pantay at makatuwirang desisyon.

Ang ginagawa nating desisyon ay hindi lamang basta-basta isang pasya na dapat gawin na hindi pinag-iisipan. Sa pagtaya ng mga pagpipilian, sa pamamagitan nang masusing pag-aaral sa mga ito, sa maayos na pagkilala at pagtimbang sa mga pagpipilian, tiyak ay makagagawa tayo ng isang desisyong makatuwiran.

Kailangan ding isaalang-alang ang mga pagpipilian dahil mahalaga na kung gagawa tayo ng mga desisyon ay hindi na dapat natin ito pagsisihan pagdating ng panahon. Kaya naman mahalaga ang wastong pagtaya sa sitwasyon at maging sa mga pagpipilian.