Bakit kailangang alagaan ang mga antigo at sinaunang kagamitan at gusali sa ating bansa?

Katanungan Sagot

Katanungan

bakit kailangang alagaan ang mga antigo at sinaunang kagamitan NG ating bansa?

Sagot verified answer sagot

Ang mga sinaunang kagamitan at gusali sa ating bansa ay dapat alagaan sapagkat ito ay bahagi at isa sa mga pamana ng ating kasaysayan na maituturing na yaman ng bansa.

Ang kasaysayan ng ating bansa at pinagmulan ng ating lahi ay mga bagay na mahalaga at dapat matutunan bilang isang indibidwal.

Higit na mauunawaan ang pinagmulan ng lahat sa tulong ng mga antigo o sinaunang kagamitan at mga gusali na matatagpuan sa bansa.

Ang mga ito ay pamana ng nakaraan para sa kasalukuyang panahon at sa mga susunod pa na nagsisilbing kayamanan ng bansa na higit na maipagmamalaki sa lahat.

Ito ay dapat na alagaan sapagkat ito ang nagpapaalala sa atin sa mga naganap at napagtagumpayang mga panahon ng ating bansa at lahing Pilipino.