Bakit kailangang isaalang-alang ang paggamit at paglinang ng lahat ng pinagkukunang yaman ng bansa?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bakit kailangang isaalang-alang ang paggamit at paglinang ng lahat ng pinagkukunang yaman ng bansa?

Sagot verified answer sagot

Bakit kailangang isaalang-alang ang paggamit at paglinang ng lahat ng pinagkukunang yaman ng bansaMahalagang isaalang-alang ang paggamit at paglinang ng mga pinagkukuhanang yaman ng isang bansa sapagkat malaki ang ginagampanan nito sa pag-unlad at pagbibigay ng kabuhayan sa mga mamamayan.

Kailanganang paunlarin o linangin ang pangangalaga at paghawak sa mga yamang ito ng bansa sapagkat kapag ito ay hindi nagamit nang wasto, malaki ang posibilidad na sa mga susunod na panahon ay maubos ang mga ito at mawala ang pagkukuhanan natin ng mga likas yamang mahalaga sa buhay ng tao.

Kinakailangan ding isaalang-alang ang maayos na paghawak sa mga yaman sapagkat ito ay nagbibigay ng kabuhayan sa maraming mamamayan. Kailangan ay hindi maabuso ang kalikasan sapagkat hindi na ito mapapalitan kung tuluyan nang nawasak.