Bakit kailangang isabuhay ang mapanagutang kilos?

Katanungan

bakit kailangang isabuhay ang mapanagutang kilos?

Sagot verified answer sagot

Kailangang isabuhay ang mapanagutang kilos upang mapapatatag ang pananagutan at responsibilidad ng bawat indibdiwal sa bawat kilos na isinasagawa. Ang mapanagutang kilos ay mga aksyon na itinuturing na makatao.

Ito ay sinisikap na maisagawa ng tao upang sa gayon ay mailayo ang kanyang sarili gayundin ang kanyang kapwa sa mga pangyayaring hindi kaaya-aya.

Ito ay nahahati sa tatlong uri na tinatawag na di-kusang loob o ang kilos na isinasagawa ng masama sa kalooban ng isang tao; kusang loob o ang aksyon na isinasagawa ng tao ayon sa kanyang tiyak na karunungan at kagustuhan; at ang walang kusang-loob o ang kilos na kakikitaan ng kawalan ng pagsang-ayon mula sa nagsasakilos nito.