Bakit kailangang maging handa sa lahat ng pagkakataon?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bakit kailangang maging handa sa lahat ng pagkakataon?

Sagot verified answer sagot

Bakit kailangang maging handa sa lahat ng pagkakataonMahalaga ang maging handa sa lahat ng pagkakataon dahil ito ay mabisang sandata upang makaya ang mga hamong darating sa atin.

Bagaman hindi natin batid kung ano ang mga pagsubok na kahaharapin natin sa mga susunod na araw, panahon, oras, o taon, at buwan, ang pagiging handa ay isang paraan upang hindi maging labis na apektado ng mga pagsubok na ito.

Kung handa ang isang tao, malaki ang tsansa na hindi siya magagapi ng mga pagsubok dahil mayroon siyang mga paraan, kagamitan, at iba pang alternatibo upang mapagtagumpayan at maharap ang mga pagsubok na ito. Ang pagiging handa rin ay isang magandang katangian na makapagbibigay ng panatag na loob sa sinuman.