Bakit kailangang maging mapili sa mga larawang ilalagay sa pagbuo ng larawang sanaysay?

Katanungan

bakit kailangang maging mapili sa mga larawang ilalagay sa pagbuo ng larawang sanaysay?

Sagot verified answer sagot

Upang makapagbigay interes at makatawag pansin sa mga mambabasa ang dahilan kung bakit kailangang maging mapili sa mga larawang ilalagay sa pagbuo ng larawang sanaysay.

Ang larawang sanaysay ay isang uri ng sulatin na kung saan idinadaan sa pamamagitan ng paggamit ng larawan o imahe ang kaisipan o ideya na nais iparating ng isang manunulat.

Ito ang nagsisilbing unang tagapagkuwento ng sanaysay na kung saan ang mga salita ay isang suporta lamang ng teksto.

Kung kaya naman ang mga larawang ilalagay ay dapat na maingat na pinili sapagkat ito ang makatatawag pansin at makapagbibigay ng interes sa mga mambabasa upang basahin ang akda.