Katanungan
Bakit kailangang pag-aralan at unawain ang mga tulang patnigan o balagtasan ng mga mag-aaral, Patunayan ang iyong sagot?
Sagot
Mahalaga na aralin nila ito para mas mamulat ang mga mambabasa o nakikinig para maging malawak pa ang kanilang perspektiba hinggil sa diskurso.
Upang hindi makupot sa iisang panig, kailangan aralin pa ito para mas maunawaan ang ibang punto at maging bukas sa iba’t ibang argumento ng mga may akda.
Kung nakakupot lamang sa isang panig ang mambabasa ay magkakaroon ito ng hindi pagkakaintindihan sa kabilang panig na maaaring may punto rin ang mga sinasabi.
Ang pagpapalawak ng kaalaman sa pamamagitan ng balagtasan ay maganda dahil kada panig ay naririnig ang punto ng bawat kalahok at naliliwanagan ang mga nakikinig o mambabasa.